Perpekto
June 7, 2006Here’s a pretty straightforward song… no need for a write-up on this.
“Perpekto”
by Dong Abay
from his album “Flipino” (hindi typo yan
)
Ikaw ay nagdaramdam, puso ay nagdurugo.
Hindi mo yata alam kung saan ka patungo.
Ikaw ay naliligaw, isip ay nalilito.
Ayaw mo nang gumalaw, hindi ka sigurado.
Ikaw ay napupuing, minsan nabubulagan.
Mata ay nakapiring, daan ay kadiliman.
Ikaw ay nadadapa, napipilayan din.
Di makapagsalita, anong ibig sabihin?
Wala… wala namang… wala namang perpektong tao.
Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ikaw ay nawawala, minsan ay nawawalan.
Di ka naniniwala, puno nang alinlangan.
Ikaw ay nanliliit, ligtas ka ba sa rehas?
Bakit ka nakapiit, bakit ka tumatakas?
Ikaw ay natatakot, parang walang hangganan.
Ang kirot ng bangungot, di mo makalimutan.
Ikaw ang nanglulumo, bilang na nga ang araw.
Gusto mo nang sumuko, mundo ay nagugunaw.
Wala… wala namang… wala namang perpektong tao.
Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Ikaw ay inaanod, walang kalaban-laban.
Tuluyang nalulunod tungo sa kalaliman.
Ikaw ay nalulula, agad kang nahuhulog.
Bumabagsak sa lupa, at biglang madudurog.
Ikaw ay nagdurusa, kaya pa bang tumagal?
Hindi na makahinga, lalo pang nasasakal.
Ikaw ay dumadaing, dala mo ba ay sumpa?
Parang kang nililibing at pinagluluksa.
Wala… wala naman…. wala namang perpekto.
Ano ba ang epekto, kung meron kang depekto?
Wala namang perpektong tao….
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


