either or
January 16, 2008is life getting in the way of work? or is work getting in the way of life?
hoy, akala ko ba hindi ka na magda-drama ngayon taon!?
hindi naman ako nagda-drama ah. i’m just wondering.
ah okey… and in other news, yung ilong mo umabot na po hanggang pakistan.
bakit ba?? pag may sinabi ba akong madrama at seryoso ibig nang sabihin nun eh may pinag-ugatan na yun na madrama at seryoso din?
DUH.
whatever. lethargic lang ako. nananamlay. walang gana.
ahhh… different names for the same thing…
uy, maganda yung kantang yun.
yeah, i agree. death cab for cutie is amazing.
ben gibbard is amazing.
oooookay… back to the topic… akala mo nakatakas ka na ha…
demmit. sayang.
bakit? timout nalang ba muna?
oo timeout nalang. abangan ang susunod na kabanata.
aba may susunod pa palang kabanata… sounds like a drama… so nagda-drama ka nga?
sandali, diba comedy yun? tessie tomas… anjo yllana… noel trinidad…?
ah onga no. touche.
^_^


